dzme1530.ph

ILAN PANG KAKAIBANG PANGALAN NA NAKATANGGAP NG PERA MULA SA CONFIDENTIAL FUNDS NG OVP, NALANTAD SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Ilan pang kakaibang pangalan na nakatanggap ng pera mula sa confidential funds ng OVP ang nalantad sa impeachment court.
 
Kabilang sa mga pangalan ay sina Antonio Pagong, Timon Andrew Pusa, Don Piang, Shane Ngitngit at Xuniso Belat.
 
Base sa acknowledgment receipts, sina Pagong, Pusa, Piang, Ngitngit at Belat ay binayaran mula P100,000 hanggang P250,000 para sa ibinigay na impormasyon, rental at transport vehicles.
 
Si Pagong ay binayaran ng P100,000 para sa impormasyon, P100,000 din kay Pusa dahil sa arkila sa sasakyan, at si Piang ay P250,000 dahil din sa arkila sa sasakyan.
 
Si Ngitngit ay may record na P150,000, at P100,000 din kay Belat para sa confidential fund payment.
 
Sa pag-usisa kay Gina Acosta, ang SDO ng OVP, kung kilala o nakita niya sino man sa mga taong nabanggit, sinagot nitong “hindi po” dahil wala umano siyang alam sa operasyon sa ground at umaasa lamang siya sa report ni Col. Raymund Dante Lachica.

About The Author