dzme1530.ph

PAGCOR, NAKIPAG-UGNAYAN NA SA MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN PARA BANTAYAN ANG MGA NAG-EENDORSO NG NG ILLEGAL ONLINE GAMING

Loading

Nagsasagawa na ng koordinasyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa mga ahensya ng pamahalaan para bantayan at sitahin ang mga content creators at influencers na nag-eendorso ng illegal online gaming o non-PAGCOR licensees.
 
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, una sa kanilang kinukonsulta ay ang DICT, Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC, at ang National Telecommunications Commission o NTC.
 
Sa kanilang mga natukoy, sinabi ni Tengco na 15 sa mga ito ay nasampahan na ng kaso sa korte.
 
May mga endorsers din umano ang ipinatawag ng CICC at binalaan sa ginagawa nitong pag-eendorso ng online gambling na ilegal o walang lisensya mula sa PAGCOR.
 
May ilan naman na boluntaryo na umanong umatras sa pag-endorso ng illegal sites, at lumipat na lamang sa ligal.
 
Muli namang sinabi ni Tengco na rekomendasyon lamang ang kanilang magagawa dahil wala silang police power upang mang-raid at magpahinto.
 
Si Tengco ay humaharap sa budget briefing sa Kamara.

About The Author