![]()
BInisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahigit animnapung pamilya o mahigit dalawangdaang indibidwal sa Pampanga na lumikas kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat.
Ayon sa Palasyo, tiniyak ng Pangulo sa mga apektadong pamilya na patuloy silang makatatanggap ng 10,000 pesos na cash assistance, family food packs, at iba pang relief assistance.
Magpapatuloy umano ang suporta ng pamahalaan hanggang sa ligtas na makabalik ang mga pamilya sa kani-kanilang tahanan.
Kasabay nito ay ang pagpapatupad ng pangmatagalang hakbang upang matugunan ang paulit-ulit na pagbaha sa Pampanga.
Nabatid na ang mga lumikas na residente ay labing-anim na araw nang nananatili sa Bacolor Mini Convention Center Evacuation Center sa Barangay Cabambangan.
