![]()
Posibleng magbawas ng testigo ang prosekusyon sa isyu ng misuse of confidential funds o Article 1.
Inamin ni Prosecutor Joel Chua ng Maynila na may reassessment sila sa nalalabing testigo, matapos ang napakalakas na testimonya ni Gina Acosta, ang SDO ng OVP.
Inaasahan din ng prosecution ang malakas na testimonya ni Edward Fajarda, ang SDO ng DepEd, at ni Lemuel Ortonio, ang Assistant Secretary ng OVP.
Ang Article 1 ang may pinakamahabang trial day kumpara sa tatlong iba pa.
Ayon kay Chua, sa oras na matapos sina Acosta, Fajarda at Ortonio, pag-aaralan nila nang mabuti kung dapat pa bang ipatawag ang mga taga-AFP o Armed Forces of the Philippines.
Kinumpirma din ni Private Prosecutor at House Prosecution Legal Spokesman Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na sina Fajarda at Ortonio ang sunod nilang testigo matapos si Acosta.
