dzme1530.ph

PROBLEMA SA BAHA, MAY SOLUSYON PA

Loading

TIWALA si Senate Committee on Finance Chairman JV Ejercito na may mga solusyonan pa rin ang matagal at malalang problema sa baha sa bansa.
 
Ayon kay Ejercito, dapat tiyakin na may magandang resulta ang bilyong-bilyong pisong pondo na inilalaan ng pamahalaan para sa flood control projects.
 
Hindi anya simpleng paglalaan ng pondo ang usapin pagdating sa flood control management dahil mahalaga anyang matutukan paano plinano at ipinatupad ang flood control projects and programs.
 
Ginawa ni Ejercito ang pahayag makaraang bigyang-diin ni Senador Panfilo Lacson na sa nakalipas na 15 taon, gumastos ang gobyerno ng nasa higit 1.9 trillion pesos para sa flood control program pero sa kabila nito, nananatiling hindi kontrolado o nananatiling problema ang baha sa bansa.
 
Tiniyak ni Ejercito na sa panukalang 2027 budget, magiging mas istrikto sila pagdating sa alokasyon para sa flood control projects kung saan sisiguraduhin nila na properly validated, technically sound at bahagi ng integrated flood control master plan ang mga flood control projects.
 
Dapat anya na scientific ang approach—hindi political.
 
Mas nais ni Ejercito ay mga big-ticket projects dahil mas makakatugon ito sa problema sa baha.
 
Bagamat pakikinggan anya nila ang mga pakiusap ng mga LGU, pero dapat anyang ma-determine muna kung angkop at epektibo sa lugar ang flood control project na kanilang hinihingi.

About The Author