dzme1530.ph

PUBLIKO, HINIKAYAT NA HUWAG NANG IPAKALAT ANG MGA LARAWAN AT VIDEO NG SHOOTING SA ATENEO DE ZAMBOANGA UNIVERSITY

Loading

HINIKAYAT ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang publiko na tigilan na ang pagsha-share at pagre-repost ng mga video at photos na may kinalaman sa shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University.
 
Nagpahayag din ng pakikiramay si CICC Executive Director Aboy Paraiso sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
 
Hiniling ni Paraiso ang pakikipagtulungan ng publiko na iwasan na ang pagbibigay ng iba’t ibang espekulasyon sa pangyayari sa pamamagitan ng hindi na pagpapakalat ng mga post na may kinalaman sa shooting incident.
 
Hinikayat din ng opisyal ang mga magulang na palagiang i-monitor ang aktibidad ng kanilang mga anak sa social media, gaming platforms at messaging applications, lalo na sa mga minor.
 
Dapat din anyang panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon sa mga anak at alamin ang kanilang mga pinapanood, sinusundan at kinokonsumo online.

About The Author