dzme1530.ph

LIBRENG SAKAY NG DOTR, IPINAGPATULOY NGAYONG ARAW NA ITO

Loading

Ipinagpapatuloy ngayong araw ng Department of Transportation ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuters na maapektuhan ng matinding pag-ulan sa Metro Manila.
 
Sinimulan muli ang free rides kaninang 6:00 AM at tatagal hanggang mamayang 8:00 PM.
 
Kabilang sa mga rutang saklaw ng libreng sakay ang Quiapo hanggang Fairview; Quiapo hanggang Welcome Rotonda na may standby vehicles din sa España; Divisoria hanggang Cubao via Recto/Nagtahan; Divisoria hanggang Monumento; Baclaran hanggang Monumento via Taft; Kalentong hanggang Pasig; Marikina hanggang Cubao; Lawton hanggang Sucat; Lawton hanggang PITX; Pasig Palengke hanggang Cainta Junction at Monumento hanggang PITX via Busway.
 
Ayon sa DOTr, kabuuang 27 government vehicles ang naka-deploy para sa libreng sakay.

About The Author