dzme1530.ph

TUBIG BAHA, UMAABOT NA SA HITA SA BRGY. TOWNSITE, MARIVELES

Loading

MARIVELES, Bataan – Lagpas tuhod na ang bahang kulay putik sa isang kalsada sa Barangay Townsite, Mariveles, Bataan, ayon sa video na kuha nitong umaga ng Agosto 19.
 
Makikita sa footage na umabot na sa hita ng tao ang tubig-baha, habang kapansin-pansing pumantay na rin ito sa katabing palayan , malinaw na ebidensya ng lawak ng pagbaha sa nasabing lugar.
 
Ibinahagi ni Armina Ampuan ang video pasado alas-7 ng umaga, kung saan patuloy pa rin ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mariveles sa oras na ito.
 
Nagbabala ang mga residente at motorista na dumaan nang may pag-iingat sa lugar dahil sa posibilidad na lalo pang tumaas ang tubig sakaling magpatuloy ang ulan.

About The Author