![]()
PALALAWAKIN pa ng administrasyong Marcos ang scholarship at educational assistance program sa buong bansa upang mas maraming Pilipino ang makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng magandang oportunidad.
Iginiit ni Exec. Sec. Ralph Recto na hindi dapat maging dahilan ang kakulangan sa pera upang itigil ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program, limang fourth-year college students mula sa bawat barangay ang makatatanggap ng tig-dalawampung libong pisong financial assistance.
Inaasahang aabot sa 210,000 students mula sa 42,000 barangay ang inaasahang makikinabang sa programa ngayong taon.
