![]()
Lumabas ng bansa ang mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa magkahiwalay na flights.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, lumipad patungong Hong Kong si Leviste, habang si Legarda ay nagtungo sa France noong Linggo.
Inihayag ng kampo ni Legarda na naka-medical leave ang senadora.
Ang biyahe nina Legarda at Leviste sa labas ng bansa ay kasunod ng anunsyo ng Ombudsman na iniimbestigahan nila ang mag-ina kaugnay ng 10-billion plunder at graft complaints.
Bunsod ito ng umano’y kabiguan ng renewable energy firm ni Leviste na ma-deliver ang solar power na nakasaad sa ilalim ng congressional franchise.
Nahaharap din sa hiwalay na imbestigasyon ng NBI ang kongresista dahil naman sa umano’y character assassination laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
