![]()
Muling nagpalitan ng maaanghang na salita sina Vice President Sara Duterte at Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kaugnay ng pagpapakita ng propesyonalismo bilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Sa isang video message ngayong Biyernes, sinabi ni Castro na malaki ang kakulangan ng bise presidente sa pagpapakita ng propesyonalismo at pananagutan sa publiko.
Reaksyon ito ni Castro sa komento ni VP Sara na sinusuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang International Criminal Court (ICC) and vice versa, sa gitna ng pagkakakulong ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kasong crimes against humanity.
Sinabi ni Castro na ang pahayag ng bise presidente ay “useless, baseless, and nonsense.”
Sagot naman ni VP Sara, hindi niya alam kung kaninong spokesperson si Castro, pero dahil tagapagsalita ito at mayroong selyo ng Office of the President sa kinatatayuan nito ay dapat itong maging propesyonal sa mga sinasabi.
Wala aniyang kalayaan si Castro na kagaya niya, na ihayag ang sariling opinyon kapag mayroong selyo sa harap o likod nito.
