dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, HINAMON SI DEFENSE SEC. GIBO TEODORO NA PANGALANAN ANG MGA OPISYAL NA PRO-CHINA

Loading

Hinamon ni Vice President Sara Duterte si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na pangalanan ang mga opisyal na tinutukoy nang sabihin nitong dapat nang mag-resign ang mga ayaw suportahan ang polisiya ng bansa sa West Philippine Sea.
 
Sinabi ni VP Sara na dahil walang pinangalanan si Teodoro, posibleng kahit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kabilang din sa umano’y listahan.
 
Aniya, para klaro sa lahat ay dapat pangalanan ang mga opisyal na tinutukoy ng defense chief na nagtatanggol sa China sa usapin sa West Philippine Sea dahil hindi basta-basta ang pagbibitaw ng mga salita.
 
Inihayag ng kalihim na hindi niya pangangalanan ang government officials dahil sumusunod ang Department of National Defense sa objective standards at matibay na ebidensya bago tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal.

About The Author