dzme1530.ph

INFLATION RATE NOONG HULYO, BAHAGYANG BUMABA

Loading

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Hulyo.
 
Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, naitala sa 6.2 percent ang inflation noong Hulyo.
 
Mababa ito kumpara sa 6.4 percent noong Hunyo, subalit labis na mataas kumpara sa 0.9 percent noong Hulyo ng nakalipas na taon.
 
Pinakamalaking bahagi ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages na naitala sa 32.1 percent.
 
Sinundan ito ng presyo ng housing, water, electricity, gas, at iba pang produktong petrolyo na naitala sa 26.8 percent, at ang transportasyon sa 17.4 percent.

About The Author