dzme1530.ph

ALAMIN ANG DAHILAN AT GAMOT NG PINCHED NERVE

Loading

Ang pinched nerve o naiipit na nerve ay nangyayari kapag naiipit o napipisil ang isang nerve dahil sa mga nakapaligid na buto, litid, kalamnan, o disk sa gulugod.
 
Ayon sa mga eksperto, kabilang sa mga karaniwang sintomas nito ang pananakit ng leeg o likod, pamamanhid, pangangalay, tusok-tusok na pakiramdam, at panghihina ng braso, kamay, binti, o paa depende sa kung saang bahagi naiipit ang nerves.
 
Maaaring maidulot ang kondisyong ito ng herniated disc, arthritis, paulit-ulit na paggalaw, hindi tamang postura, o pinsala sa katawan.
 
Upang mabawasan ang mga sintomas, makatutulong ang sapat na pahinga, tamang postura, magaang na pag-eehersisyo o stretching, at physical therapy kung irerekomenda ng doktor.
 
Maaari ring magbigay ang doktor ng gamot para sa pananakit o pamamaga depende sa sanhi ng kondisyon.
 
Pinapayuhan ang mga nakararanas ng matindi o tuluy-tuloy na pananakit, lumalalang pamamanhid o panghihina, o hirap sa paggalaw na magpakonsulta agad sa doktor.
 
Ang maagang pagpapasuri at tamang paggamot ay makatutulong upang maiwasan ang mas malubhang pinsala sa mga nerves.

About The Author