![]()
Binigyang-diin ng mga mahistrado ng Sandiganbayan Third Division na batas at ebidensya ang kanilang naging gabay nang aprubahan nila ang bail petition ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Kasunod ito ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na inaasahan na niyang pagbibigyan ng anti-graft court ang petisyon, kasabay ng pag-akusa na tila may kumikilos sa likod ng mga pangyayari.
Iginiit ni Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda na sila sa Sandiganbayan ay ginagabayan ng karangalan, integridad, at pananagutan.
Nanindigan naman si Associate Justice Ronald Moreno sa resolusyon, kasabay ng pag-welcome sa anumang legal remedies na maaaring ihain ng Ombudsman.
Sa bahagi ni Associate Justice Fritz Delos Santos, sinabi nito na natural reaction lamang ang ipinakita ni Remulla at nauunawaan niya ang pinanggagalingan nito.
Kinasuhan ng Ombudsman si Revilla ng malversation through falsification of documents at graft, at iba pang mga personalidad bunsod ng umano’y 92.8-million peso ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
