![]()
Halos lahat ng Grade 12 students na kumuha ng 2024 National Achievement Test (NAT) ang bigong makaabot sa proficiency benchmark sa core competencies, ayon sa Philippine Business for Education (PBEd), sa gitna ng nagpapatuloy na learning crisis sa bansa.
Sa kanilang 2026 State of the Philippine Education Report, batay sa datos mula sa Department of Education (DepEd), sinabi ng PBEd na 0.47% lamang ng Grade 12 examinees ang classified bilang proficient o highly proficient, habang 99.53% ang bumagsak sa mga mas mababang lebel.
Nakasaad sa report na 65.6% ng examinees ang itinuring na low emerging; 27.39% ang high emerging; 6.54% ang developing; 0.45% ang proficient; at 0.02% lamang ang highly proficient.
Inihayag ng PBEd na binigyang-diin sa resulta ang nagpapatuloy na learning gaps sa kabila ng mga reporma sa edukasyon na inilunsad sa mga nakalipas na taon.
