dzme1530.ph

48 CHINESE VESSELS, NAMATAAN SA WEST PHILIPPINE SEA

Loading

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na kabuuang 48 Chinese vessels ang namonitor nila sa West Philippine Sea, nitong Hulyo.
 
Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga sasakyang pandagat na namataan ay pag-aari ng People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard.
 
Kabilang sa mga namataan mula July 1 hanggang 31 ang 14 na sasakyan sa Ayungin Shoal; 22 sa Bajo de Masinloc; apat sa Escoda Shoal; at walo sa Pag-asa Islands.
 
Sinabi ni Trinidad na ito ay patunay ng patuloy na iligal na aktibidad ng China na nagpapakita ng pambabalewala sa international order pabor sa soberanya ng bansa.
 
Tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang pwersa sa pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan ang maritime interest ng Pilipinas.

About The Author