dzme1530.ph

PAGTATAAS SA P500,000 NG THRESHOLD SA ANNUAL INCOME TAX EXEMPTION, ISINUSULONG

Loading

Isinusulong ni Marikina City Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro ang panukala na itaas sa P500,000 ang threshold sa annual income tax exemption, kaakibat ang automatic inflation adjustment mechanism.
 
Ang House Bill No. 10462 o “Middle-Class Tax Relief and Inflation Protection Act” ay para mabigyan ng agarang financial relief ang milyong salaried Filipinos.
 
Sa paliwanag ni Teodoro, bagaman tumataas halos taun-taon ang sweldo ng mga nagtatrabaho, ang increase ay kinakain lamang ng mataas na presyo.
 
Dahil diyan, nais ni Teodoro na mag-adopt din ng tax system na akma sa “present-day economic realities.”
 
Sa nagdaang SONA ni PBBM, hiniling nito sa Kongreso na itaas sa P350,000 ang threshold mula sa kasalukuyang P250,000, pero para sa kongresista, mas magiging substantial at meaningful ang tax relief kung ito ay ipe-peg sa P500,000.
 
Sa HB No. 10462, iniuutos ang automatic adjustment ng income brackets tuwing ikatlong taon base sa Consumer Price Index ng Philippine Statistics Authority.

About The Author