dzme1530.ph

KAHONG-KAHONG DOKUMENTO SA PAGGAMIT NG CONFIDENTIAL FUNDS NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, INIHARAP SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Umaabot sa 15 kahon ng mga dokumentong may kinalaman sa confidential fund ang iniharap ng House Prosecution Panel sa Impeachment Court sa pagsisimula ng ika-11 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Ipinagpapatuloy ang pagtalakay sa Article 1 ng reklamo na may kinalaman sa paggamit ng confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education.
 
Isinalang sa witness stand ang ikatlong testigo sa Artikulo Uno na si Roderick Wamil, dating State Auditor ng Commission on Audit-Confidential and Intelligence Fund Audit Division.
 
Pero bago pa maisalang sa pagtatanong si Wamil, inihayag ni Atty. Lorna Kapunan ang ilang stipulation of facts o mga lumabas na detalye sa pagtatanong sa unang dalawang testigo ng prosekusyon sa Article 1.

About The Author