![]()
Target ng Department of Budget and Management (DBM) na maisumite ang proposed P7.2 trillion 2027 National Expenditure Program sa Kongreso bago sumapit ang 30-day constitutional deadline, kasunod ng pagbubukas ng regular legislative session.
Sinabi ni DBM Secretary Kim Robert de Leon na nais nilang maihain ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon bago mag-Aug. 14.
Ang target submission ng DBM sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2027 ay dalawang linggo matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 27.
Itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na pinamumunuan ng DBM ang national budget para sa susunod na taon sa P7.2 trillion, katumbas ng 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
Mas mataas ito ng 6% kumpara sa P6.793 trillion na budget ngayong taon.
