dzme1530.ph

REPRESENTATIVES ANTONIO TINIO AT RENEE LOUISE CO, OPISYAL NANG NAGHAIN NG COUNTER-AFFIDAVIT SA QC PROSECUTOR’S OFFICE 

Loading

Nag-file na ng kanilang counter-affidavit sa QC Prosecutor’s Office sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Renee Louise Co.
 
Kaugnay ito sa kasong isinampa ni Atty. Manases “Mans” Carpio laban sa ilang personalidad na umano’y nagkotsabahan sa hearing ng House Committee on Justice.
 
Tinawag ni Rep. Co na “bulok na script ng mga Duterte” ang ginawa ni Carpio, na ang layunin lamang ay ilihis ang paningin ng taumbayan sa isyu ng hindi maipaliwanag na yaman.
 
Nais lang umano nitong harangin na mabulatlat sa Senate impeachment court ang mga records nila sa bangko, BIR, at AMLC na maglalarawan ng kanilang tunay na kayamanan.
 
Nasa kamay na ng Senate impeachment court ang mga dokumento, matapos ito iotorisa ni PBBM.
 
Iginiit nina Co at Tinio sa kanilang counter-affidavit na hindi witch-hunting ang impeachment na ito; tinatanong lamang nila kung saan napunta ang pera ng taumbayan.

About The Author