dzme1530.ph

OFFICIAL LAUNCHING NG “LEGISHEAR: BAWAT BATAS MAHALAGA,” PINANGUNAHAN NI SPEAKER BOJIE DY III

Loading

Pinangunahan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang official launching ng “LEGISHEAR: Bawat Batas Mahalaga.”
 
Ang LEGISHEAR ay paglalapit ng Bagong Kongreso sa tao, at ipauunawa kung paano binabalangkas ang isang batas.
 
Sa talumpati ni Dy, ibinahagi nito ang dalawang uri ng batas na ginagawa nila. Una ay ang national bill, kung saan kapakanan ng buong bansa ang nakataya, at ang local o parochial concern na mas kilala bilang local bill.
 
Halimbawa ng national bill, ayon kay Dy, ay ang Anti-Political Dynasty, na hindi lamang sa apat na sulok ng Kongreso pinag-usapan kundi dinala ang debate sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
 
Halimbawa naman ng local bill ay ang pag-transform ng local road tungo sa national road, na bagamat local ay kinakailangan pa rin itong pondohan sa ilalim ng national budget.
 
Ginanap ang launching sa Isabela State University sa Echague, Isabela ngayong araw, July 31.
 
Bukod kay Dy, kasama rin sa launching sina House Secretary General Atty. Cheloy Garafil at mga kongresista mula sa Isabela.
 
Nakibahagi rin sa programa ang DA, DOF, DOH, DILG, DOLE, DMW, DSWD, TESDA, BIR, CHED, COMELEC, LTO, GSIS, NBI, NYC, PAG-IBIG, PhilHealth, PIA, PNP, PRC, PSA, at SSS.

About The Author