![]()
Handa ang Department of Justice (DOJ) na suriin ang legalidad ng Pax Silica kung babagsak ito sa kanilang hurisdiksyon.
Sa gitna ito ng pagkontra at pangamba ng marami sa posibleng negatibong epekto ng proyekto sa bansa.
Ayon sa DOJ, handa silang pag-aralan ang legal framework at mga kasunduan kaugnay sa Pax Silica, partikular ang mga usapin sa transparency at posibleng displacement ng mga lokal na komunidad dahil sa planong pagtatayo ng artificial intelligence hub.
Sinabi ni DOJ Undersecretary Nicolas Felix Ty na sa ngayon ay itinuturing pa itong usaping pang-ekonomiya at nasa ilalim ng mga ahensyang may direktang kinalaman sa proyekto.
