dzme1530.ph

MRT-3, MAY LIBRENG SAKAY SA BUWAN NG AGOSTO AT SETYEMBRE

Loading

Inanunsyo ng Metro Rail Transit o MRT-3 na magpapatupad sila ng ilang oras na libreng sakay tuwing Miyerkules para sa mga commuter na magpapakita ng kanilang National ID sa buwan ng Agosto at sa September 16, 2026.
 
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Global Identity Day.
 
Ayon sa Department of Transportation, ipatutupad ang free rides mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. sa August 5, 12, 19, at 26, gayundin sa September 16.
 
Kailangan lamang ipakita ang National ID, pisikal man o digital, o maging ang paper format.
 
Kasabay nito, magsasagawa rin ang Philippine Statistics Authority ng National ID registration sa Araneta-Cubao at Taft Avenue stations ng MRT-3.

About The Author