![]()
Naniniwala ang Federation of Free Workers at National Labor Coalition na mali ang naging desisyon ng Pasig Regional Trial Court na manghimasok sa pagpapatupad ng dagdag na sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. Sonny Matula, chairman ng koalisyon, na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kautusan laban sa wage increase.
Hinimok ni Matula si Labor Secretary Francis Tolentino na iapela ang kautusan ng korte.
Sinabi ni Matula na gross ignorance of the law ang desisyon ng korte dahil malinaw umano sa batas na wala itong papel sa pagpapatupad ng wage order.
