dzme1530.ph

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR. BINASBASAN ANG PAG-RELEASE SA FINANCIAL RECORDS NI VP SARA AT ATTY. MANS CARPIO; KATOTOHANAN HINDI IPAGKAKAIT SA PUBLIKO

Loading

Kinumpirma ng Malacañang na binigyan ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na buksan ang tax records ni Vice President Sara Duterte at ng mister nitong si Atty. Manases Carpio.
 
Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang kumpirmasyon kasunod ng pagsusumite ng BIR ng tax records ni Duterte sa Senate Impeachment Court.
 
Inihayag ni Castro na kung ano ang isinasaad ng batas at kung ano ang proseso, tatalima ang Pangulo.
 
Idinagdag ng Palace official na ang hakbang ay para sa katotohanan, at hindi ito ipagkakait ng Punong Ehekutibo sa taumbayan.

About The Author