![]()
Tahasang sinabi ni House Prosecutor Terry Ridon na paliit nang paliit ang mundo ni VP Sara Duterte matapos mapasakamay ng Senate Impeachment Court ang bank at tax records nito.
Kanina ay natanggap na ng Impeachment Court ang bank at tax records na ipina-subpoena ng prosecution panel, at inaasahan na susunod na rin ang mga dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Kasama sa isinumite ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang records ni Atty. Manases Carpio, maging ang business interests nilang mag-asawa.
Inaasahan na ngayong araw din ay maisusumite ng AMLC sa Senate Impeachment Court ang transaction reports sa ₱6.7 billion na kabuuang transactions at ₱4.4 billion na inflows sa Duterte-Carpio accounts.
Ang mga dokumentong ito ay pawang ebidensya sa isyu ng unexplained wealth sa ilalim ng Article IV, na siyang huling article na tatalakayin sa Impeachment Court.
