![]()
Ikinukunsidera ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawig ng fuel subsidy program para sa mga public utility vehicle operators sa halip na aprubahan ang fare hike petitions.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, nagsumite na sila ng rekomendasyon sa Malacañang para itaas ang government assistance sa mga driver at operator na apektado ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Kasama sa rekomendasyon ang pagtataas sa ₱15 hanggang ₱20 kada litro ng fuel subsidy at pagdaragdag ng litrong sakop nito sa bawat linggo.
Sa pamamagitan nito, aniya, mas direktang makikinabang ang mga driver at operator at hindi rin magkakaroon ng dagdag na pasanin ang mga commuter.
