dzme1530.ph

TESTIMONYA NG DATING BANK MANAGERS NG LANDBANK, ‘APPETIZER’ PA LANG, AYON SA PROSEKUSYON

Loading

“Appetizer” pa lamang ng usapin sa confidential funds ang testimonya ng dalawang dating manager ng LandBank.
 
Ito ang sinabi ni House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor kaugnay ng ika-10 araw ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.
 
Tinawag ni Defensor na “perfect start” para sa prosekusyon ang kapwa pahayag ng dalawang dating bank manager na “unusual” ang mga bank transactions.
 
Ang nais umano nilang patunayan ay nag-commit ng betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution si VP Sara dahil sa maling paggamit ng ₱612.5 million na confidential funds.
 
Sa testimonya ni Violeta Constantino, retired LandBank Shaw Boulevard Branch manager, apat na tseke ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng ₱500 million ang na-encash sa kanyang branch.
 
Ayon naman kay former LandBank DepEd Branch manager Nenita Camposano, tatlong DepEd checks na tig-₱37.5 million o kabuuang ₱112.5 million ang na-encash sa kanya.
 
Ang lahat ng ito, ayon kina Constantino at Camposano, ay pawang “unusual” transactions.

About The Author