![]()
Umabot na sa ₱841.381 million na pondo mula sa flood control projects ang naibalik na sa National Treasury, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na simple lang ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.: anumang mababawi ay pagmamay-ari ng mga Pilipino, at ang nagtaksil sa tiwala ng bayan ay dapat humarap sa hukuman.
Ang mga personalidad na nagbalik ng pondo sa pamamagitan ng pag-remit sa LandBank ay siya ring mga pinangalanang state witnesses ng ahensya.
Kabilang dito sina Henry Alcantara, na nagsauli ng mahigit ₱181.379 million; Sally Santos, ₱20 million; Gerard Opulencia, ₱140 million; at Roberto Bernardo, ₱500 million.
Ang mga nabanggit na indibidwal ay generally exempted mula sa criminal liability kaugnay ng flood control scandal bilang mga state witnesses.
