![]()
Hindi pa rin sapat ang dami ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, partikular sa Luzon, sa nakalipas na apat na araw para tumaas ang water level sa Angat Dam sa Bulacan.
Hanggang kahapon ay nasa 150.85 meters ang antas ng tubig sa dam, bahagyang mas mababa sa 150.91 meters noong Martes.
Ang normal water level sa Angat Dam ay 210 meters.
Sinabi ni PAGASA Hydrologist Rosalie Pagulayan na simula noong July 1 ay nababawasan ng average na 0.3 meter per day ang tubig sa dam.
Dahil dito, hinimok ni Pagulayan ang publiko na huwag mag-aksaya ng tubig kahit na walang nararanasang water interruption.
