dzme1530.ph

ILANG MINORITY SENATORS, DI DADALO SA SONA NI PBBM SA BATASAN COMPLEX

Loading

KINUMPIRMA ni Senador Imee Marcos na hindi dadalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang miyembro ng Senate minority bloc.
 
Sinabi ni Marcos na makikinig pa rin naman siya kahit wala siya sa Batasan Pambansa.
 
Aminado ang senadora na masama ang kanyang loob dahil may mga kasamahan siyang kinasuhan at ipinakulong.
 
Sa kabila ng hindi pagdalo ng ilan sa minorya, iginiit ng senadora na wala naman silang usapan na hindi dumalo sa SONA.
 
Aniya ang simbolo ng kanyang pagsusuot ng itim ay ibig sabihin na ilaban ang tama at itama ang mali.

About The Author