dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, TINIYAK NA MATUTULOY ANG KAUNA-UNAHANG PARLIAMENTARY ELECTIONS SA BARMM SA SEPT. 14

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutuloy sa Setyembre 14 ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
 
Pinagtibay ng Pangulo ang commitment ng kanyang administrasyon na isulong ang mga repormang magpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.
 
Binigyang-diin din niya ang layunin ng pamahalaan na patatagin ang economic foundations ng bansa at tiyaking walang komunidad ang maiiwan.
 
Ginawa ni Marcos ang pagtiyak sa paglulunsad ng Bawat Bayan Makikinabang Grassroots Initiative at ng National Government–Bangsamoro Government Convergence Program.
 
Pinangunahan ng Pangulo ang rollout ng dalawang programa sa Philippine Army Headquarters sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kung saan ipinamahagi ang ₱200,000 sa bawat barangay sa BARMM upang suportahan ang mga community projects at local initiatives.

About The Author