dzme1530.ph

DEBRIS MULA SA INILUNSAD NA ROCKET NG CHINA, POSIBLENG BUMAGSAK SA BABUYAN ISLAND AT STA. ANA CAGAYAN, AYON SA PHILSA

Loading

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) na posibleng may bumagsak na debris sa mga karagatan sa Northern Luzon kasunod ng paglulunsad ng China ng Yinli-1 (Y4) rocket.
 
Ayon sa PhilSA, inilunsad ang Y4 rocket mula sa East China Sea Launch Area sa silangan ng Shanghai, kaninang alas-10:54 ng umaga.
 
Sa pagtataya ng ahensiya, inaasahang babagsak ang debris ng rocket sa mga itinakdang drop zone, humigit-kumulang 115 nautical miles mula sa Babuyan Island at 129 nautical miles mula sa Sta. Ana, Cagayan.
 
Ayon pa sa PhilSA, ang dalawang drop zone ay kapwa nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

About The Author