dzme1530.ph

MMDA, NAGLABAS NG ALTERNATIBONG RUTA PARA SA ISASAGAWANG SONA NG PANGULO SA LUNES

Loading

Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng mga alternatibong ruta sa Quezon City para sa isasagawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 27.
 
Ayon sa MMDA, asahan na ang mabigat na trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, IBP Road, at iba pang major thoroughfares patungong Batasang Pambansa.
 
Para sa mga magmumula sa Quezon Memorial Circle patungong Fairview, pinapayuhan ang mga motorista na mula sa Elliptical Road, tahakin ang North Avenue, kumanan papuntang Mindanao Avenue, at saka kumanan sa Sauyo Road o bagtasin ang Quirino Highway hanggang sa kanilang destinasyon.
 
Sa mga magmumula naman sa Fairview at patungong Quezon Memorial Circle, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Sauyo Road o Quirino Highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, kumaliwa sa North Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
 
Ang mga truck naman na magmumula sa C-5 Road o Katipunan Avenue ay pinapayuhan na tahakin ang Luzon Flyover, kumanan sa Congressional Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
 
Ang mga light vehicles naman na galing C-5 Road ay pinapayuhang kumaliwa sa Magiting, kumanan sa Maginhawa, kumaliwa sa Mayaman patungong Kalayaan hanggang sa kanilang destinasyon.
 
Ipatutupad rin ng MMDA ang no-day off, no-absent policy sa kanilang traffic personnel at magpapakalat ng 1,481 na tauhan.

About The Author