dzme1530.ph

Ex-BuCor chief Bantag, nais na umanong sumuko!

Isiniwalat ni Justice secretary Jesus Crispin Remulla na nais nang sumuko ni dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na umano’y ‘mastermind’sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa ambush interview, ibinunyag ni Remulla na isa sa kanyang mga kasamahan sa gabinete ang nagsabi sa kanya, lima o anim na araw na ang nakalipas, na nakatanggap ito ng tawag mula kay Bantag na balak na raw nitong sumuko.

Sinabi ng kalihim na ipa-follow-up niya ang naturang alok sa kanyang colleague.

Inihayag naman ni Atty. Rocky Balisong, Legal counsel ni Bantag na walang nabanggit ang kanyang kliyente tungkol sa tawag kaya hindi niya ito makumpirma.

About The Author