![]()
Ipinagmalaki ng administrasyong Marcos na mahigit 30 milyong estudyante na ang nakinabang sa Presidential Scholarship Program.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ito ay sa ilalim ng “Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program”, isang pambansang inisyatiba sa edukasyon upang matulungan ang mga estudyanteng makapagpatuloy sa kolehiyo.
Nababahala umano ang Malacañang sa ulat na halos 29% ng mga estudyanteng malapit nang magtapos sa kolehiyo ang napipilitang mag-drop out dahil sa problemang pampinansyal. Dahil dito, nabuo ang konsepto na “Bawat Barangay Makikinabang Program”.
Sa ilalim ng programa, limang scholars sa bawat barangay ang magiging benepisyaryo at tatanggap ng tig-20,000 piso upang makatulong sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng Local Government Support Funds.
