dzme1530.ph

MATAAS NA RATING SA SURVEY NI VP SARA DUTERTE, HINDI LISENSYA PARA ITIGIL ANG IMPEACHMENT TRIAL

Loading

Hindi lisensya ang mataas na rating sa survey para itigil ang impeachment trial.
 
Ayon kay private prosecutor Atty. Jay Tolosa Jr., ang constitutional accountability sa isang impeachment proceeding ay hinahatulan batay sa ebidensya at hindi sa popularidad.
 
Aniya, ang mataas na public approval ng isang impeachable official ay hindi dahilan upang makaiwas ito sa pagbusisi sa umano’y mga paglabag sa Konstitusyon at betrayal of public trust.
 
Ang survey ay sukatan ng serbisyong nagawa o ng pananaw ng taumbayan sa isang opisyal, subalit hiwalay na usapin ang pagpapanagot sa mga alegasyon ng pagbabanta, maling paggamit ng confidential funds, at unexplained wealth.
 
Sa June 20 hanggang 29 survey ng SWS, nagtala si VP Sara ng +30 net satisfaction rating, na mas mataas ng dalawang puntos kumpara sa +28 noong buwan ng Marso.

About The Author