dzme1530.ph

GLOBAL EMPLOYABILITY NG FILIPINO SEAFARERS, PATULOY NA POPROTEKTAHAN NI PANGULONG MARCOS

Loading

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na poprotektahan ang global employability ng Filipino seafarers at pananatilihin ang pinakamataas na international standards ng maritime education sa bansa.
 
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pagtiyak sa commencement exercises ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) “Salighirang” Class of 2026 sa San Narciso, Zambales.
 
Sa kanyang talumpati, inalala ng Pangulo kung paano nalagay sa alanganin ang kabuhayan ng nasa 50,000 Filipino seafarers na nagsisilbi sa European Union-flagged ships.
 
Kasunod ito ng ban warning ng EU dahil sa paulit-ulit na kabiguan ng bansa na maipasa ang European Maritime Safety Agency (EMSA) evaluation.
 
Sinabi ni Marcos na hindi niya papayagan na malagay ang Pinoy seafarers sa kahalintulad na sitwasyon kaya agad kumilos ang pamahalaan.
 
Pinalakas aniya ang maritime education and training, pinagbuti ang certification systems, in-upgrade ang facilities at equipment, at mahigpit na nakipag-ugnayan sa international partners upang matiyak na patuloy na maaabot ng Philippine standards ang global expectations.

About The Author