dzme1530.ph

DOUBLE DIGIT NA DAGDAG SA PRESYO NG DIESEL, NAMUMURO SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Asahan ang posibleng double-digit na pagtaas ng presyo ng diesel sa susunod na linggo.
 
Sa pagtaya, posibleng madagdagan ng ₱9.50 hanggang ₱10.50 ang presyo ng kada litro ng diesel.
 
Posible namang tumaas ng ₱4.50 ang kada litro ng gasolina.
 
Pangunahing dahilan nito ang umiinit pa ring tensyon sa Middle East.
 
Pinangangambahan din ang supply disruption at mahigpit na product balances dahil sa vessel traffic sa Strait of Hormuz.

About The Author