![]()
Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensyon ng disconnection ng residential at non-residential power consumers, alinsunod sa deklarasyon ng state of national energy emergency.
Sa advisory, inanunsyo ng ERC na in-extend nito ang implementasyon ng consumer relief protection measures.
Noong Mayo ay sinuspinde ng ahensya ang disconnections para sa mga customer na bigong mabayaran ang kanilang bills simula Mayo hanggang Hulyo, habang pinapayagan ang tatlong buwang installment payments.
Inatasan ng power industry regulator ang lahat ng distribution utilities sa Luzon, Visayas, at Mindanao na suspindihin ang electricity service disconnections sa kanilang captive markets para sa non-payment ng electricity bills simula August hanggang October 2026.
Ipinag-utos din ng ERC sa mga power distributor na magpatupad ng staggered o deferred payment schemes upang mapagaan ang pinansyal na pasanin ng consumers.
