![]()
Naaresto na ng mga awtoridad ang tatlo sa apat na suspek sa pagpatay sa American marine biologist na si Kent Carpenter.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Allen Rae Co, kasama sa nasakote si alyas M.O., 26 years old, at sinasabing gunman.
Kasama rin sa nasakote ang isang alyas JF na umano’y sangkot sa sexual assault sa live-in partner ng biktima, gayundin ang isang alyas CD na nagsilbing lookout.
Batay sa impormasyon, si Carpenter ay pinagbabaril hanggang mamatay ng tatlong lalaki na sapilitang pumasok sa kanilang tahanan sa Barangay Ajong, Sibulan, Negros Island.
Kilala si Carpenter sa kanyang research sa coral reefs at marine biodiversity.
Kinilala rin ang scientific work ni Carpenter na nakatulong sa 2026 arbitral ruling sa West Philippine Sea.
