![]()
Kung si House Lead Prosecutor Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang tatanungin, nais nitong matapos ang impeachment trial bago mag-Pasko.
Ayon sa Batangueñang mambabatas, patuloy na nire-review ng prosecution team ang listahan ng kanilang mga testigo sa tatlong articles na natitira.
Kahapon, pormal na ipinaabot ng prosekusyon sa Impeachment Court ang pag-drop sa limang testigo sa Article IV, hiwalay pa kina Atty. Zuleika Lopez at Capt. Belinda Bello.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, sa listahan ng mga testigong isinumite sa Impeachment Court ng depensa at taga-usig, tatagal ng labimpitong buwan o isang taon at limang buwan ang paglilitis.
Ayon kay Luistro, sa kanilang panig, madedetermina lamang kung magdadagdag pa ba sila ng mga testigo sa sandaling maisalang na lahat sa witness stand ang mga isasaksi nila sa tatlong natitirang articles of impeachment.
Sa Lunes o Week 3 ng trial, tatalakayin na ang Article I o ang isyu sa misuse of confidential funds, at tatlong testigo ang hiniling na i-subpoena.
