dzme1530.ph

MMDA, SINUSPINDE SI GABRIEL GO SA CLEARING OPERATIONS KASUNOD NG VIRAL TEACHER INCIDENT

Loading

Sinuspinde muna sa pagsama sa clearing operations si MMDA Special Operations Group – Task Force for Road Clearing Head Gabriel Go, matapos mag-viral ang operasyon na kinasangkutan ng teacher na walang suot na helmet.
 
Sa statement, sinabi ng MMDA na hindi muna maaaring sumama si Go sa clearing operations habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon.
 
Sa video na naka-post sa Facebook, hinarang ni Go ang lalaking teacher na walang suot na helmet habang nakasakay sa motorsiklo.
 
Sinermunan ni Go ang teacher na humingi ng paumanhin at nakiusap na huwag i-post ang video ng kanyang pagkakahuli.
 
Sinabi ng MMDA official na naka-blur naman ang mukha ng guro at huwag na lamang nitong banggitin ang pangalan.
 
Dahil dito, pinuna ng ACT Teachers Party-list ang pagpo-post ni Go ng mga operasyon nito sa social media.
 
Nanawagan ang grupo na sibakin na si Go sa puwesto dahil sa patuloy na paglabag sa sariling direktiba ng MMDA sa usapin ng personal posts kaugnay ng kanilang operasyon.

About The Author