![]()
Hindi nagpapaapekto ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa mga survey na nagsasabing nakapuntos na ang prosecution team sa isinasagawang impeachment trial laban sa Bise Presidente.
Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesperson ng defense panel, na hindi sila nagbibilang ng score at bagkus ay patuloy lamang nilang isinasagawa ang kanilang trabaho sa impeachment trial.
Binigyang-diin pa ni Poa na mahaba-haba pa ang tatahakin ng paglilitis at masyado pang maaga upang sabihin kung sino ang mananalo.
Sa bandang huli, aniya, ang impeachment court ang magdedesisyon sa impeachment case laban kay VP Sara.
Ayaw naman patulan ni Poa ang pahayag ni Cong. Terry Ridon na tila mahina ang mga abogado ng defense team, sa paggiit na entitled ang kongresista sa kanyang sariling opinyon.
