![]()
Epektibo sa July 25 ang first tranche ng ₱85 na wage hike sa Metro Manila, ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino.
Unang inihayag na epektibo ang umento sa sahod sa July 19, subalit sinabi ni Tolentino na naantala ang official announcement dahil sa masamang panahon.
Aniya, naurong ang effectivity dahil dalawang araw na naantala ang publication date.
Ipinaliwanag ng labor chief na epektibo ang wage order 15 days matapos itong mailathala sa pahayagang may general circulation.
Idinagdag ni Tolentino na maging ang mga sumasahod nang mas mataas sa minimum wage ay makikinabang din sa wage hike dahil magkakaroon, aniya, ng wage distortion o pataas na adjustment sa kanilang suweldo.
