![]()
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) Cavite at Hugo Perez Elementary School-Annex, sa isang joint statement, na isang Grade 4 pupil ang nasawi matapos ang isinagawang deworming activity sa paaralan.
Nakapaloob sa pahayag na aktibong nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng paaralan sa law enforcement at health authorities kaugnay ng insidente.
Tiniyak din ng DepEd Cavite na makikipagtulungan ito sa anumang legal na proseso at imbestigasyong isasagawa upang matukoy ang mga pangyayari.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng paaralan sa naulilang pamilya at nangakong magbibigay ng kaukulang tulong.
Inilabas ng DepEd Cavite at Hugo Perez Elementary School-Annex ang joint statement sa kanilang opisyal na Facebook page noong Biyernes.
