dzme1530.ph

”OPLAN ROMANOV,” TINAWAG NA KATHANG ISIP

Loading

“Kathang-isip lamang” o walang katotohanan ang “Oplan Romanov” na ginagamit ng defense team bilang pangontra sa death threat na nakapaloob sa Article IV.
 
Tahasang sinabi ni House Prosecutor at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora na noon pa mang pagdinig sa House Committee on Justice ay gulong-gulo na sila sa “Oplan Romanov.”
 
Ayon kay Zamora, hindi naman napatunayan na may plot o pagtatangka sa buhay ng bise presidente at ng kanyang pamilya.
 
Maging si House Impeachment Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. ay nagsabi na wala umanong anumang patunay o ebidensya ang depensa hinggil sa “Oplan Romanov.”
 
Matatandaang sa ikatlong araw ng impeachment trial, iginiit ng counsel for the respondent na si Atty. Mark Vinluan na totoo ang “Oplan Romanov,” na aniya ay hango sa pamilya Romanov sa Russia na pinaslang nang magkakasama.

About The Author