![]()
PALAGING handa ang Senado sa posibleng pagdating ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng isinasagawang impeachment trial laban sa kanya.
Ito ang tiniyak ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. kasunod ng pahayag ng defense panel ni VP Sara na haharap din ang bise presidente sa pagdinig kung kinakailangan.
Posible ring magtungo sa Senado si VP Sara kung sasalang sa witness stand ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Sinabi ni Bantug na palagi namang handa ang kanilang Protocol Office upang makapagbigay ng sapat na assistance anumang oras na maabisuhan sila sa pagdating ng bise presidente, dadalo man ito sa paglilitis o makikipagkita sa kanyang mga abogado.
Sa ngayon, aniya, wala pang abiso kung darating si VP Sara sa impeachment trial sa Martes, kung saan pinahaharap ng prosekusyon ang kanyang Chief of Staff na si Lopez.
