![]()
Naisilbi na ang subpoena ad testificandum sa Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez.
Natanggap ng Central Records Unit ng Office of the Vice President ang subpoena kahapon ng hapon.
Ang subpoena ay nilagdaan ni Impeachment Court Presiding Officer Senador Francis “Chiz” Escudero.
Nakasaad sa subpoena ang kautusan ng korte na humarap si Lopez sa impeachment trial laban kay VP Sara sa July 13 at 14, alas-dos ng hapon.
Una rito, hiniling ng prosekusyon sa korte na paharapin si Lopez sa pagdinig kaugnay sa Article 4 o grave threats ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Matatandaang sa ikatlong araw ng paglilitis kay VP Sara, ipinalabas ang bahagi ng mahigit dalawang oras na online press conference kung saan ipinakita ang pagiging emosyonal ni Lopez matapos siyang i-cite in contempt ng Kamara nang humarap sa pagdinig kaugnay sa confidential funds ni VP Sara sa Department of Education.
